Ang Pagsalakay na Sinapit
Ang pasko ay sumapit
Marahang nanginig ang himig
Salamangkerong awit
Nagbibigay-dilim at lamig
Nanalangin ako sa sanggol
Mula sa dantaong panahon
Hiniling ang kanyang pagtanggol
Sa ektaryang lupang inararo
Sa pagpatak ng pasko
May tatlong haring nagsidalaw
Alay sambat palakol
Pagsalakay ay inihandog
‘Pagkat kahit magsikap ay hindi pa rin
Makakamtan, kasaganaang minithi
Kahit magsiawit ng daing at sakit
Bingi pa rin ang mundong pinatahimik
Gintong aral ay sinunod ko naman din
Nagbungkal nagtanim nagtiis sa gilid
Ngunit dugo pa rin ang nagsilbing dilig
Binhing nagkulay pasko sa hatinggabi
Read More