Ni CONCEPCION EMPEÑO
Para sa iyo, anak
Kung meron lang akong taglay na kapangyarihan
Aking pipigilin paglubog ng araw
Laging sumisiksik sa aking isipan
Ang giliw kong anak na siyang inagaw
Sa tuwing sasapit ang aking pagtulog
Luha at hinagpis ang ang siyang bumabalot
Naisin ko mang ibaon sa limot
Ngunit hindi pwede at binabangungot
Sa buong magdamag mga mata'y dilat
Ang giliw na anak sa isipa'y yakap
Nang dahil sa kanya, pamilya'y namulat
Sa dusa ng bayan, lalo na ng mahihirap
Huwag pabayaan ang ganitong lagay
Bayang sinisinta'y dapat ipaglaban
Sa mga namumuno na lubhang gahaman
Dapat maputol na itong kabuhungan
Sa aking sarili ay naipangako
Sinimulan ng anak di dapat mabigo
Kanyang ipinaglaban huwag isusuko
Ipagpapatuloy, gawaing nahinto
Kaya ang hiling ko sa Poong Maykapal
Pagkalooban ako ng mahabang buhay
Katawang malusog sa paggawa ng mga bagay
Tungo sa landas ng kadakilaan
●
Unang nailathala sa Kulê noong ika-26 ng Hunyo 2020.