Samot saring kuwento ang bitbit ng bawat estudyanteng muling sasalubong sa bagong taong panuruan ngayong unang semestre. Sa likod ng bawat karanasan, madadalumat ang sala-salabid na isyung bumabalot sa bawat estudyante at maging sa pamantasan. Ikaw, anong kuwentong balik-eskuwela mo?
Panibagong Paglalakbay
ni Amery Andrada
Pinangarap lamang ni Pia noon na makapag-aral sa UP, ngunit sa kabila ng kanyang pananabik, bumabalot sa kanyang isipan kung kaya ba niyang panindigan ang pagiging isang Iskolar ng Bayan.
Kalbaryo ng Magtatapos
ni Julia Francine Malanos
Sa huling taon ni Karla sa kolehiyo, napagtanto nitong may pagkukulang sa panahon ng pananatiling ginugol niya sa unibersidad. Nagbabakasakali siyang masulit ang natitirang oras bago umalis rito.
Walang Magaan sa Underload
ni John Gabriel Bumatay
Hindi kailanman nakasanayan ni Justin ang magmakaawa, hindi sa tao, hindi para sa kahit ano. Pero sa gitna ng kawalang-katiyakan, gagawin niya ang lahat basta makumpleto lamang ang units niya.
Sablay sa Pagsablay
ni Jasnyl Drek Inocentes
Sa matagal na panahon, nasanay si Hulyo na mayroong tiyak na oras na gugugulin para sa isang gawain. Ngunit sa unang pagkakataon, wala siyang kontrol sa katiyakan ng kanyang pagtatapos sa pamantasan.


