Sa May Kalsada ang Aking Bati
Sa may kalsada ang aking bati
Sa imbis na paskong mal’walhati’y
Usok at busina ang naghari
Mga nag-iindakang bumbilya ay
Ilaw trapikong nakahanay
Pula dilaw luntiang nagsasayaw
Dulo’y hindi ko na matanaw
Ang sanhi po ng pagparito’y
Mag-uuwi po ng aguinaldo
Kukurampot ma’y tinrabaho
Hatid pa ri’y ngiti kay bunso
Ngunit perwisyo’t gastos lamang
Ang inihahain ng gabi
Tatlong oras sa kalayaang
Ang pag-usad ay pagkunwari