Sa paggunita sa Buwan ng Kababaihan nitong Marso, mahalagang patuloy na itampok ang paggiit ng kababaihang bilanggong pulitikal para sa kanilang ganap na paglaya. Noong nakaraang buwan, naitala ang 812 bilanggong pulitikal sa bansa, 162 mula sa bilang na ito ay kababaihang aktibista, pesante, at maralita.
Mapanghamon maging isang babae sa lipunang mayroon ang Pilipinas. Liban sa mga pang-aabusong natatamo dahil sa di pantay na pagtingin sa kasarian, higit na nananatiling api sa kasalukuyang lipunang ang kababaihang mula sa uring pesante, maralita, at katutubo. Gayunpaman, nananatili pa rin ang pakikisangkot ng kababaihan para sa pagsulong at kalayaan, isang katotohanang pilit na hinahamak ng estado.
Sa anim na artikulong inilathala ng Philippine Collegian, basahin ang salaysay ng buhay at karanasan ng mga kababaihang bilanggong pulitikal sa bansa—at ang patuloy nilang pagtangan sa angking tapang ng isang militanteng babae. ●
Ang Ulirang Imahe ng Kababaihan sa Loob ng Kulungan Ayon Kay Marilyn Magpatoc
Patunay si Marilyn na hindi hadlang ang pagkakakulong upang itampok ang ulirang imahe ng kababaihan—palaban, may pinaninindigang prinsipyo, at higit sa lahat, nakikilahok sa mga isyung panlipunan.
Teresita Abarratigue Awaits the Day When She Could Reunite With Her Children
In Teresita’s 11 years of imprisonment, the hardest thing she has had to endure is being separated from the people she loves the most while they are being harassed by the state.
Walang Pininipiling Puwang ang Pakikisangkot ni Evangeline Rapanut
Sa likod ng rehas, madaling panghinaan ng loob ukol sa hawak ng hinaharap, lalo para sa kanyang pinakamatandang preso. Subalit, ani Nay Vangie, tuloy ang tungkulin saan man dalhin ng tadhana.
Hanggang Kulungan, Tangan ni Romina Astudillo ang mga Prinsipyo ng Pakikibaka
Dalawang taon pagkatapos ng aresto, hindi pa rin nagmamaliw ang paninindigan ni Shami. Sa tuwing napanghihinaan ng loob, binabalikan niya ang mga tagumpay na nakamit sa pakikibaka.
Julieta Gomez Remembers the Lumad Struggle One Thousand Miles from Home
Julieta Gomez has gleaned much wisdom through her activism, but the events of her arrest taught her something new: that she could never be separate from the battles of her people.
Ang Pagbawi ng Nawalang Panahon nina Arlene Panea at Ge-Ann Perez
Mahigpit kaming niyakap nina Arlene nang mamaalam na kaming mga bisita sa kanila. Nang tanungin sila ng kasamahan ko kung hangarin pa rin ba nilang tumulong sa kapwa oras na mapalaya, sagot ni Arlene, “Hindi naman mawawala iyon.”