Ngayong ipinagdiriwang ang pandaigdigang araw ng paggawa, ating kilalanin ang mga lider-manggagawa’t aktibistang pilit binubusalan at tinatanggalan ng karapatan ng gobyerno. Ngunit higit, makiisa sa panawagang tuluyan na silang palayain at tugunan ang hinaing ng sektor na kanilang pinagsisilbihan.
Sa pagbuka ng bibig at pagkuyom ng mga palad, muli’t muling idiniriin ni Rodrigo “Ka Erwin” Esparago ang panawagang manindigan para sa kapakanan ng uring manggagawa at mamamayan.
Ang Diwa ng Pakikibaka ni Dennise Velasco para sa mga Manggagawa
Isang masikhay na unyonista si Dennise Velasco. Mabigat man ang problemang tinutugunan ng kanyang adbokasiya, hindi siya natinag sa pakikipaglaban kasama at para sa karapatan ng mamamayan.
Isa si Mark Ryan Cruz sa mga unyonistang dinakip sa kabila ng pagsusulat niya ng mga inipong salaysay ng mga manggagawa upang suriin ang kanilang lagay at kumilos ayon sa kanilang pangangailangan. •